Click Here!

  Site  

 HOME        WORLD BOXING NEWS         VIDEO              

   

   

Mon, 20 Oct 2008 19:40:00

Eksklusibong Panayam kay IBO/IBF Flyweight Champion Nonito Donaire


Article By


Byernes. Ika-17 ng Oktubre, 2008.

Magandang Araw! Tulad ng aking pinangako, andito ako para sa una kong interview para sa kolum na tinatawaga kong “Straight From D Source”. Para sa una kong interview sa Boxing Herald, nakapanayam ko and kampeon ng IBO at IBF flyweight dibisyon na si Nonito Donaire. Nag-eensayo ngayon si Nonito para sa laban niya sa ika-1 ng Nobyembre kontra kay Moruti Mthlane ng South Africa sa Mandalay Bay Las Vegas, Nevada. Sa totoo lang, ito ang una kong interview kasama ang isang boksingero kaya sana subaybayan niyo ang mga kolum ko habang lalo dumadagdag ang aking karanasan sa larangang ito.

Marami kaming napagusapan. Kasama na rito ang nalalapit niyang laban, mga ilang personal na bagay tungkol sa kanyang buhay at pati na rin si Brian Villoria na dati’y may lumabas na interview na kung saan may mga hinde masyadong maganda na nasabi si Nonito . Eto po ang translated na bersyon sa tagalog ng interview ko kay Nonito.

 

***

 

Boxing Herald – Andito tayo kasama ang IBO at IBF champion ng flyweight dibisyon na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire. Champ, salamat sa pag-unlak mo sa amin.

NONITO DONAIRE – Walang problema pare. Ikinararangal ko. Salamat.

BOXING HERALD – Medyo matagal na ren nang huli ka naming mapanood lumaban. Sabihin mo nga sa amin kung ano ang nararamdaman mo ngayon sa iyong pangangatawan, motibasyon at pag-iisip sa iyong nalalapit na laban.

 NONITO DONAIRE – Mga isang taon. Matagal ren ang halos isang taon pero naghanda kami ng mga dalawang buwan para sa laban na ito. Gusto naming ipagpag ang ano mang kalawang sa ring. Syempre bawat laban ay iba ngunit sinigurado naming paghandaan ang pinaka mahirap na pwede mangyare. Nag training ako ng mabuti para sa laban na ito.

BOXING HERALD – Ano ang matatangay mo sa huling taon na nakalipas sa iyong career na tila andami atang nangyare na nakabagal dito tulad ng pagpalit mo ng promoter pati na rin ang ilang pagkakasalungatan sa iyong schedule. Akala ng marami ay mabilis ng sisibol ang iyong career matapos mong patumbahin si Vic Darchinyan ngunit sunod sunod ata ang mga nangyareng onting pagkakagulo.

NONITO DONAIRE –Marami akong natutunan. Natutunan ko kung papano ang larangan ng larong ito. Ngayon asa Top Rank na ako kasama ang mga tamang tao, maganda at masaya ang pakiramdam ko. Habang dumaan ang nakaraang taon, lumaki ako at lumakas. Marami ren akong pinanood na mga laban at natuto ako sa panonood nito. Parati ko lang pinapanatiling positibo at matalas ang aking pagiisip at laging handa sa kung ano mang mangyayare. 

BOXING HERALD – Paano ka naghanda sa nararating mong laban kontra sa South African na si Mthlane?

NONITO DONAIRE – Alam kong malakas ako at mayroong akong kapangyarihan sa suntok ko. Alam ko rin na mas lalo pa akong bumilis at hinde pa ako naiisahan sa pagboboxing sa tagal ng aking career kahit nung amateur pa lang ako. Hinde pa ako na out-box at natuklasan ko lang na malaki pala ang taglay kong lakas. Sa paraan kung paano ako sumusuntok ngayon, tingen ko walang mas lalakas pa sa akin sa 112 dibisyon. Ang pinaghandaan talaga namin ay maging nasa pinaka magandang kondisyon para lumaban. Kayang sumapak ng kalaban kong ito sa lahat ng angulo sa loob ng lahat ng rounds. Guto ko sanang gawin rin iyon kung yun ang gagawin niya. Ginawa naming ang lahat para mag-focus sa pinakamagandang kondisyon ng aking pangangatawan sa laban na ito.

 BOXING HERALD – Mayroon ka bang predikson? Magiging Knockout of the Year kaya ulit ito?

NONITO DONAIRE – (Tumatawa) Ewan ko lang sa Knockout of the year pero hinde ako magsisinungaling, ayos yun kung mangyare. Isang bagay na sasabihin ko, para lang din ako si Pacquiao. Gusto ko ng knockout. Lalaban ako ng pinaka matalinong laban na pwede kong ilaban pero pag nandun ang knockout, kukunin ko yon. Patutumbahin ko siya sa pinaka maagang posibilidad. Kung sa round one may pagkakataon, kukunin ko yun. Hinde ko siya paglalaruan, hinde ako gagawa ng kung ano mang katangahan. Susubukan ko lang talagang patumbahin siya sa lalong medaling panahon.

BOXING HERALD – Maiba naman tayo, nabalitaan ko na kinasal ka raw kamakailan. Congratulations jan.  (kinasal si Nonito kay Rachel Marcial isang dating kampeon na tae kwon do jin sa Amerika noong 8/8/08.)

NONITO DONAIRE – Salamat. Salamat ng marami.

BOXING HERALD – Kamusta naman ang buhay may asawa?

NONITO DONAIRE – Sa totoo lang mas madali ang buhay ko ngayon. Wala na akong iisipin pang iba. Lahat ng gawain ay tapos na kasi andito siya kasama ko. Madami siyang ginagawa para sa akin. Inaasikaso niya ang dati kong mga kinakausap na mga tao. Siya ang tumatanggap ng mga tawag ko kaya hinde ko na kailangang gumising sa gitna ng gabi or sa gitna ng tulog ko para lang sumagot ng telepono para sa mga interview, mga endorsement at kung ano ano pang mga appointment. Marami talaga siyang nagawa para sa akin at dahil dito makukuha ko ang pinaka mataas na lebel ng aking potensyal para sa susunod na laban ko at iba pang laban na dadating.

BOXING HERALD – Ang sarap pakinggan niyan ah, parang tinakda kayo ng langit.

NONITO DONAIRE – Tama. Totoo nga. Lumalaban rin siya. Siya ay isang black belt sa Tae Kwon Do at naiintindihan niya kung papano magbawas ng timbang ang mga bagay bagay na ganun. Minsan nagiinit ren ang ulo ko dahil sa pagbabawas timbang pero pinagpapasyensyahan niya ako at naiintindihan niya ako. Humihingi nga ako sa kanya ng paumanhin tungkol doon pero andami niya talagang ginagawa para sa akin. Kaya nga naman, dahil na ren sa suporta niya at tulak na ibinibigay sa akin, alam kong magiging isang daang pursyento ako sa aking laban.

BOXING HERALD – May plano na ba kayong magkaanak?

NONITO DONAIRE – Ewan ko lang tungkol sa anak. Sinabi namin noon na gusto namin pero gusto ren naming dumaan sa tamang proseso. Kapag mabuti na ang aming pananalapi at kaya na naming magtaguyod ng pamilya sa pinansyal na aspeto, malamang ayun. Pareho naming gusto, pero gusto lang din naming nasa tamang panahon

BOXING HERALD – Eto lang masasabi ko, kung maging lalake ang anak niyo siguradong knockout artist din yan tulad mo! Asa lahi eh!

NONITO DONAIRE – (tumatawa) Sana nga! Buong angkan naming mula sa mga lolo ko and sinaunang mga kamaganak ay mga boksingero. Kaya sana nga. Ninanais ko iyon.

 BOXING HERALD – Onga pala, kelan ang huling bisita mo sa atin sa Pilipinas? May mga plano ka ba umuwi?

 NONITO DONAIRE – May mga plano na. Sabi nila pagkatapos ng laban ko ay pupunta kami doon para gumawa ng ilang shows at bisitahin ang mga pamilya. Andun ako noong huling laban ko kay Maldonado. Andami ko ren ginawa doon at nabisita ko ang lugar kung saan ako pinanganak sa Gen. San.

 BOXING HERALD – Naranasan mo ren ang Pacquiao Treatment ha?

NONITO DONAIRE – Oo! Oo. Kagulo pare! Ang daming tao sa buong paligid, nagtutulakan at nagsisiksikan. Sabi ko sa sarili ko, Wow! Grabe ito ah.

 BOXING HERALD – May paborito ka bang mga lugar sa atin na bakasyunan?

NONITO DONAIRE – Hinde pa ako masyado nakapag ikot sa atin. Nagpunta na kami ng Boracay at napakaganda doon. May plano pa kami bumisita at nagpunta ren kami sa Bohol at sumisid kami o nag snorkeling na napakaganda at masayang eksperyensya. Wala pa talaga kami masyadong nabibisita sa atin dahil napakarami pa talagang magagandang lugar sa atin.

BOXING HERALD – Paano naman ang pagkaing Pilipino? Mayroon ka bang mga paborito?

NONITO DONAIRE – Marunong akomagluto ng kaldereta. Marunong ako magluto ng adobo at marami ren akong natutunang lutuin na pagkaing Pilipino. Masarap naman siya kapag ako ang nagluto.

BOXING HERALD – Hinde namin alam na marunong ka ren palang magluto.

NONITO DONAIRE – Ako nagluluto ng sarili kong pagkain. Sinusubukan ng asawa ko magluto para sa akin pero mapili ako kaya ako madalas ang nagluluto ng sarili kong pagkain. Kailangan tamang lasa, tamang timpla at tamang tama lang ang texture ng pagkain. (tumatawa)

 BOXING HERALD – Hinde ka lang perpeksyonista sa loob ng ring pati rin pala sa loob ng kusina!?

NONITO DONAIRE – Sa lahat pare (laughing)Gusto ko lahat ay nasa tamang pamamaraan para maganda ren ang pakiramdam ng aking pangangatawan kaya gusto ko gawin yun.

BOXING HERALD – Maiba naman, maraming mga Pilipinong manonood ng boksing ang gusto makita kayo magharap ng isa pang Fil-Am na boksingero na si Brian Villoria lalo na ng lumabas ang isang kontrobersyal na interview mo sa Youtube. Alam mo ba ang tinutukoy ko?

NONITO DONAIRE – Oo, Oo. (tumatawa) Ang dahilan diyan ay dahil nainis ako nung panahong mga iyon. Nasa kalagitnaan ako ng training at mainitin ang aking ulo. Tapos biglang may nakukuha ako na tawag na sinasabing “hinahamon ka niya, hinahamon ka niya!” Kaya sabi ko, “Ano?! Ngayon pa? Matapos ng matagal ko na siyang hinamon noon?” Tumigil lang ako dahil kinausap kami ng tatay niya noon at sinabi na tayong mga Pilipino ay dapat magtulungan. Kaya ayun, pagkatapos nun, tumigil na ako sa paghamon sa kanya. Tapos ngayon matapos ang ilang taon, ngayong naging kampeon ako at bumagsak siya biglang hahamunin niya ako. Alam ko parte ng kalakalan ng industriya iyon, pero kinailangan kong sabihin ang masasabi ko kahit mejo naging hinde masyado maganda ang lumabas. Isa siyang magaling na boksingero at medyo nadala nga lang din ako ng emosyon ko  lalo pa kalagitnaan ng training ko iyon. Magaling siya, wala akong masasabing masama tungkol sa kanya.

BOXING HERALD – Sa madaling salita, walang alitan si Nonito Donaire at Brian Villoria?

NONITO DONAIRE – (laughing) Wala. Sa totoo lang, pagnagkikita kami, nagbabatian kami at naguusap. Nung kamakailan lang na sumikat ako medyo naging kakaiba.

BOXING HERALD – May pag-asa bang magharap kayo sa ring?

NONITO DONAIRE – Pareho kaming hawak ng Top Rank at kahit ano naman ay posible sa boksing. Makikita mo ang mga Meksikano lumalaban sa kapwa Meksikano at baling-araw mga Pilipino kontra sa Pilipino dito. Kung gawing posible ni Bob Arum at nila, okay sa akin. Wala naman talaga akong pakealam kung sino makakalaban ko. Sinabi ko na ilang ulit yan na lalabanan ko kahit sino man ngunit gusto ko sanang malabanan ang pinakamagagaling na boksingero at sa puntong ito tingen ko hinde siya isa sa pinakamagagaling na pwede kong makaharap. Hinde ito magiging eksplosibong laban para sa akin. Nasa pinakamataas na lebel ako ngayon at hinde ko sinasabing naghahanap ako ng pera. Oo, naghahanap ako ng pera, parte iyan ng trabaho ko ngunit nais ko talagang malabanan ang pinakamagagaling na boksingero sa aking dibisyon para mapatunayan ko ang sarili ko kasi marami pa ren talaga akong dapat patunayan.

 BOXING HERALD – Kamusta naman ang relasyon mo sa iyong mga fans na Pilipino? Isa kang karesperespeto at propesyonal na kampeon at mabuting taga representa ng Pilipinas at ngayon na malapit nang magretire si Pacquiao, pwede kang maging tagapagtaguyod ng sulo at bandera ng Pilipinas.

NONITO DONAIRE – Di ko lang alam tungkol sa tagatangan ng sulo. Mabigat iyang pagsubok ibuhat para sa akin o para kanino mang boksingero. Wala nang magiging susunod na Pacquiao. Yan lang masasabi ko. Siya ay sarili niyang kampeon. Sinulat niya ang sarili niyang alamat. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para isulat ang sarili ko ring alamat at landas sa buhay at larangan ng boksing. Baka magkaroon ako ng pagkakataon lumaban muli para sa isang korona balang-araw. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para itaguyod ang Pilipinas at makita ng iba na magagaling tayong mga boksingero at mabubuting mga kampeon na may magandang personalidad.

BOXING HERALD – Napakaganda ng pagkakasabi. Hinde naman sa nilalampasan natin ang nalalapit mong laban, pero ano nga ba ang susunod para kay Nonito Donaire? Posible ba na maglaban kayo muli ni Darchinyan o mayroon bang iba diyan na gusto mong makalaban?

 NONITO DONAIRE – Ang totoo niyan, gusto ko sana si Darchinyan and makalaban ko sa laban na ito pero masyadong malaking pera ang hinihingi nila kaya hinde ito nangyare. Hinde nagkasundo sa kontrata kaya ganun. Kung gawin nilang possible na hinde sila humingi ng masyadong malaking pera ay malaking posibilidad pa ren si Darchinyan. Pero syempre marami ring kampeon diyan na mas karapatdapat kaysa sa kanya. Kaya ko lang naman siya gusto labanan kasi mahilig siyang magbukas ng bibig niya at sinabi niya na swerte lang daw at chamba yung sapak ko sa kanya. Ang sa akin naman alam ko na hinde iyon chamba. Alam ko na kaya ko siyang patulugin ulit.

Andiyan si Mijares, andiyan si Montiel, andiyan si Arce. Yun ang mga gusto kong makalaban kasi sila ang mga tunay na kampeon. Malaki and respeto ko sa mga iyon kasi nilalabas nila lahat sa ring ng wala masyadong sinasabi.

 BOXING HERALD – Bago tayo magwakas, may gusto ka bang sabihin sa iyong mga tagahanga lalo na sa mga tagahanga mo sa Pilipinas?

 NONITO DONARE – Alam mo, isa lang masasabi ko. Medyo matagal na ren ang nakalipas, halos isang taon, at sa wakas dumating ren ang pagkakataon na ito. Pinagpapala ako sa itaas para mabigyan ng pagkakataon na ito at ngayon na parte na ako ng Top Rank. Masasabi ko sa inyo na gagawin ko lahat ng makakaya ko upang itaguyod ang bandila ng Pilipinas. Upang makapagdala ng karangalan sa ating bansa. Gagawin ko lahat para mabigyan kayo ng umaatikabong laban at tulad ni Pacquiao na makapag dala ng karangalan sa ating bayan at sana makuha ko ren ang lahat ng suporta niyo. Isang bagay tungkol sa lahat ng Pilipinog mga boksingero ay gagawin naming lahat upang manalo at irepresenta ang Pilipinas ng mabuti hinde lang sa loob ng ring kundi pati na ren sa labas nito. At syempre gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa tulong at suporta na ibinigay ninyo sa akin at dahil parati kayong nandiyan para sa akin. Salamat.

BOXING HERALD – Salamat Nonito. Diyan nagtatapos ang ating interview. Ikinatutuwa at ikinararangal ko na pinaunlakan mo ang panayam na nito. Salamat.

NONITO DONAIRE – Salamat, salamat.

WAKAS

 









 






 
 

 

Click Here!

Copyright 2008 BoxingHerald.com
Bet on Boxing at Bodog.com