Click Here!

  Site  

 HOME        WORLD BOXING NEWS         VIDEO              

   

   

Wed, 22 Oct 2008 11:15:00

BUBOY FERNANDEZ: Tagalog Translation


Article By


Interview by Brad Cooney
This article is avalible in English and Tagalog



Nakausap ng Boxing Herald si Buboy Fernandez, matagal nang matalik na kaibigan at assistant trainer ni Manny Pacquiao.  Binigyan kami ng mga balita ni Buboy tungkol sa progreso ng training ni Manny sa nalalapit niyang laban kay Oscar De la Hoya sa ika-6 ng Disyembre ng taong ito.


Boxing Herald – Buboy, salamat sa pag-unlak mo sa Boxing Herald.

 

Buboy Fernandez – Magandang Hapon.

 

Boxing Herald – Kamusta naman si Manny ngayon at ang progreso ng kanyang paghahanda sa nalalapit niyang laban?

 

Buboy Fernandez – Mabuti naman si Manny. Ginagawa namin ang lahat para makuha niya ang pinakamagandang kondisyon niya dahil alam namin na napaka importante ng laban na ito para sa kanya.

 

Boxing Herald – Paano mo maiikumpara ang pageensayo ng kampo niyo ngayon kumpara sa mga dati niyong paghahanda?

 

Buboy Fernandez – Malaki ang pinagkakaiba ng training naming ngayon. Mas matindi ang pag eensayo ni Manny at malalaki at mas malalakas ang mga ka-sparring niya ngayon.

 

Boxing Herald – Todo sarado ang gym ngayon. May napansin ka ba na pagkakaiba sa pamamaraan ng pageensayo ni Manny ngayong wala na talagang pinapapasok sa gym?

 

Buboy Fernandez – Totoo. Nung mga nakaraang training camp namin, maraming mga tao na nakakapasok. Mabuti ito para kay Manny kasi mapagbigay si Manny sa oras niya at nakikipagusap siya sa mga taong bumibisita sa gym. Mabuti ito kasi mas nakaka-foucs siya ng mabuti sa laban at training.

 

Boxing Herald – Masaya ka ba sa timbang ni Manny?

 

Buboy Fernandez – Oo. Alam ko ang timbang ni Manny. Ako ang taga-dala ng panimbang at taga-timbang niya mula pa noong 1998.  Maganda ang kanyang timbang. 150 pounds siya pag naka t-shirt at pantalon.

 

Boxing Herald – May kakaibang pagkain ba siya na kinakain ngayon?

 

Buboy Fernandez – Wala naman talagang diet. Parehas pa rin ang kinakain ni Manny. Magkaiba kasi ang pagkaing Pilipino at pagkaing Amerikano. Pinapanatili ni Manny ang mga gusto niyang kainin.

 

Boxing Herald – Matagal mo nang kilala si Manny? Papano nagbago ang buhay mo kasabay ni Manny?

 

Buboy Fernandez – Dati hinde ko makuha mga gusto ko at mga gusto namin. Ngayon halos kahit ano pwede na naming makuha. Malaki pinagbago ng buhay ko sa ganung paraan kaya parati ako nagpapasalamat sa Diyos sa lahat.

 

Boxing Herald – Mas malaki si Oscar. Mas mabilis si Manny. Ano sa tingin mo ang mangyayare?

 

Buboy Fernandez – Alam kong mas malaki si Oscar pero Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayare.

 

Boxing Herald – Sa paningin mo kamusta naman ang pinapakita ni Manny sa sparring?

 

Buboy Fernandez – Mabuti naman. Mejo mabigat ang paghahanda niya at nageensayo ren sa pag-galaw.  Malaki ang pinagkaiba ng pag-akyat sa 147 pounds. Parati ko pinapaalala kay Manny ang kanyang bilis kaya tuloy ang pagpapanatili naming ng kanyang bilis.

 

Boxing Herald – Mag-banggit ka ng mga bagay kay Manny na malamang hinde alam ng kanyang mga tagasuporta.

 

Buboy Fernandez – Mabuting tao si Manny. Ayaw niya ng mga taong tumitingin pababa sa iba. Gusto niya lahat pantay pantay, Mapagkumbabang tao si Manny.

 

Boxing Herald – Salamat sa oras mo Buboy. May mga pangwakas ka bang mga masasabi sa mga tagasuporta ni Manny?

 

Buboy Fernandez – Sa lahat ng mga fans ni Manny na nakikinig, gusto ko pasalamatan ang inyong walang sawang pag-suporta. Sa laban na ito kailangan talaga namin ang iniyong suporta. Ito na ang pinakamalaking laban sa career ni Manny. Alam kong mananalo si Manny sa laban na ito at alam ko rin na kung hinde dahil sa inyo, hinde mararating ni Manny ang kinalalagyan niya ngayon. Salamat.









 






 
 

 

Click Here!

Copyright 2008 BoxingHerald.com
Bet on Boxing at Bodog.com